Home NATIONWIDE Panibagong batch ng BrahMos missile systems parating na sa bansa

Panibagong batch ng BrahMos missile systems parating na sa bansa

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Miyerkules, Abril 23 na parating na sa bansa ang panibagong batch ng Indian-made BrahMos cruise missile system.

“So parating na ito at aming gagawin ang kailangan natin upang magamit ito ng tama,” sinabi ni Teodoro sa isang panayam.

“Yan ay mga dating order and talagang parating naman,” dagdag ng opisyal.

Idinagdag ni Teodoro na inihahanda na nila ang lokasyon kung saan ipipwesto ang mga ito kasama ang kaukulang storage facilities.

Ang battery ay karaniwang binubuo ng tatlo hanggang anim na launcher kasama ang monitoring at tracking components, maging ang logistics support vehicles.

Inihatid sa bansa ang unang BrahMos batteries noong Abril 2024. RNT/JGC