Home NATIONWIDE Panukala sa dagdag P10 “buying price” sa palay ihahain sa Kamara

Panukala sa dagdag P10 “buying price” sa palay ihahain sa Kamara

MANILA, Philippines – Pagpasok ng 20th Congress sa Hulyo ay agad na ihahain sa Kamara ni Albay Rep Raymond Adrian Salceda ang panukalang batas na magdadagdag ng P10 sa buying price ng palay ng National Food Authority (NFA).

Sa ihahaing panukala, sinabi ni Salceda na ang pondo para dito ay kukunin mula sa sobrang revenue ng rice import tariffs.

Sa kasalukuyan ay P29 kada kilo ang bili ng NFA sa ” clean and dry palay”, sa oras na maipatupad ang isinusulong ni Salceda ay magiging P39 hanggang P40 kilo ba ang bikihan ng palay sa mga magsasaka.

Ipinaliwanag ni Salceda na hindi kailangan ng bagong tax para ipatupad ito bagkus ay kailangan lang gamitin ang revenue sa ilalim ng
Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law kung saan nagtatakda ng ₱10 billion ng annual rice import tariffs sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ani Salceda mula 2021 ay nasa ₱38 billion na ang excess tariff na hindi naman nagagamit, sa pamamagitan ng inihaing panukala ay maaaring itakda na maganit ang sobrang paravsa NFA.

“We don’t need new taxes. We already have the money—we just need to spend it better and put it in the hands of our food producers,” ani Salceda.

Nakapaloob din sa panukala ang pagmodernisa sa NFA storage upang maiwasan ang pagkasira ng mga stocked na palay.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng climate-controlled or hermetic warehouses, pagbili ng mobile milling at drying facilities at pagbuo ng Rice Market Intervention Fund para sa mabilis na pag aksyon sakaling magkaroon ng pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

“If we ask the NFA to buy rice at higher prices, we need to make sure they can store and rotate stocks efficiently. This bill prepares the NFA for that responsibility,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza