Home NATIONWIDE Panukala sa pagprotekta sa mga bata vs online abuse, school violence aprub...

Panukala sa pagprotekta sa mga bata vs online abuse, school violence aprub sa Senado

1
0

MANILA, Philippines – Naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang dalawang panukala para sa proteksyon ng mga bata mula sa online abuse, exploitation at pagsisiguro na ang paaralan ay ligtas para sa mga estudyante mula sa mga karahasan.

Sa sesyon, inaprubahan ang Comprehensive School Safety Act at SAGIP BATA Act matapos makatanggap ng 17 affirmative votes, zero negative votes at no abstentions.

Layon ng Senate Bill No. 2426 o Comprehensive School Safety Act, ang institusyonalisasyon ng framework sa pag-iwas, pagresponde, at pagrekober mula sa mga karahasan at iba pang banta sa mga paaralan.

Naipasa ang panukala kasunod ng ilang insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa bansa na nagdulot ng pakasawi at pagkasugat ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Senador Bam Aquino, principal sponsor at co-author ng panukala na ang proposed framework ay nakasalig sa tatlong pillar, ito ay ang prevention, response, at recovery.

Tinukoy naman ni Senador Raffy Tulfo, na sumuporta rin sa panukala, ang ilang probisyon kabilang ang paglalagay ng CCTV camera sa mga silid-aralan at common areas, maging ang pagkakaroon ng counseling at psychological support sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health.

“I firmly believe that none of us deserve to learn and teach in fear,” ani Tulfo.

Samantala, inaprubahan din ng Senado ang SB No. 1819 o Safeguarding Against Grooming, Inducement and Predation, and Building Accountability for Technology-Facilitated Abuse or Exploitation (SAGIP BATA) Act.

Sa oras na mapirmahan bilang batas, papalitan ng panukalang ito ang Republic Act No. 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Nagtatatag ito ng mas matibay na preventive framework para protektahan ang mga bata mula sa grooming, exploitation, at manipulation sa physical at digital platforms.

Layon ng panukala na paigtingin ang proteksyon sa mga bata, regulatory protocols, at pagpapatupad ng mekanismo para labanan ang technology-facilitated sexual abuse, pagkalat ng child sexual abuse material, at pagsasagawa ng seryosong mga bayolenteng krimen sa mga menor de edad.

Tinutugunan din nito ang mga banta kabilang ang paggamit ng artificial intelligence para gumawa ng sexualized content o pag-exploit ng mga bata.

Sinuportahan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang naturang panukala at sinabing may mga gawaing parurusahan na sa batas kabilang ang grooming, luring, child sexual extortion, image-based sexual abuse, sexualization of children, livestreaming, at paglikha o distribusyon ng CSAEM.

“Kinilala ng panukala na hindi kinakailangang magkaroon ng pisikal na contact ang isang salarin para lubhang mapinsala ang isang bata,” sinabi ni Pangilinan.

Pananagutin din sa naturang panukala ang mga tech company at pribadong negosyo sa digital sphere.

Binibigyang mandato ng SAGIP BATA Act ang mga online platform, internet intermediaries, payment service providers, at virtual asset providers na magpatupad ng mahigpit na safety protocols kabilang ang age verification systems. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here