MANILA, Philippines – Tatlong katao ang nasawi dahil sa epekto ng Tropical Storm Kiyapo, na may international name na Noul, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo.
Sa pinakahuling situation report ng NDRRMC, isang nasawi ang naitala sa Davao habang dalawa ang naiulat sa Sarangani. Gayunman, bineberipika pa ang dalawang pagkamatay sa Sarangani.
Isa pang indibidwal ang nawawala rin sa Sarangani.
Mahigit 59,000 pamilya o higit 285,000 katao na ang naapektuhan ng bagyo. Sa naturang bilang, mahigit 2,500 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.
Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ang pamahalaan ng P5.5 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong komunidad. Santi Celario