Home METRO Patay na fetus natagpuan sa condominium sa Tagaytay

Patay na fetus natagpuan sa condominium sa Tagaytay

2
0

CAVITE, Philippines – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakatuklas ng isang patay na fetus sa sewage treatment facility ng isang condominium sa Tagaytay City, Cavite noong gabi ng Hulyo 3.

Ayon sa Police Regional Office 4A, isang empleyado ng Cityland Condominium sa Barangay San Jose ang nakakita sa fetus na nakabara sa sewage strainer sa basement ng gusali bandang 6:59 p.m.

Hindi sinabi sa ulat ang kasarian o tinatayang edad ng fetus.

Naniniwala ang mga imbestigador na maaaring itinapon ang fetus sa drainage system mula sa isa sa mga unit ng condominium.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang CCTV footage at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang responsable sa insidente.

Dinala na ang fetus sa isang lokal na punerarya para sa tamang disposisyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here