MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pangako ng administrasyong Marcos na patatatagin ang presyo ng mga bilihin, kasunod ng paghina ng inflation rate ng bansa sa 2.1% noong Pebrero.
“The President’s marching orders are clear: ensure that Filipino families have access to affordable goods,” sabi ni Tiangco.
“Walang magugutom at walang maiiwan. Makakaasa po ang ating mga kababayan na patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang magpapababa sa presyo ng mga bilihin,” dagdag niya.
Binanggit ni Tiangco kung paano humantong sa pagbaba ng inflation ang mga proactive intervention ng gobyerno, tulad ng pagbabawas ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na bigas at ang pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
“Government interventions are working, but we must not be complacent. Moving forward, we urge our partners in various government agencies to sustain this momentum and continue implementing strategies that will
maintain stable prices of food and other commodities,” aniya.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang downtrend sa pangkalahatang inflation ay pangunahing naiimpluwensyahan ng mas mababang year-on-year growth rate ng heavily-weighted food at non-alcoholic beverages.
“Lower food prices will help households allocate more for their other essential needs,” dagdag ni Tiangco. JOJO RABULAN