Home OPINION PBBM MAY ITINALAGANG BAGONG SSS COMMISSIONER

PBBM MAY ITINALAGANG BAGONG SSS COMMISSIONER

MAINIT na tinanggap ng pamunuan ng SSS o Social Security System ang pagkakahirang ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. kay Jesus Sale, Jr. bilang pinakabagong miyembro ng SSC o Social Security Commission, ang highest governing body ng State insurer.

Kakatawanin ni Sale ang Worker’s Group kapalit ni Anita Bumouss-Quiyain. Siya ay nanumpa na kay DOLE o Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma kamakailan.

Bilang bahagi ng SSC, inaasahan si Sale na makatulong sa pagbibigay ng policy directions sa SSS at makatulong sa paggawa, pagtanggap, pag-amyenda, at iba pa na makatutulong sa implementasyon ng Social Security Law.

Hindi na ito bago kay Sale na bago mailagay sa SSS ay nakapagsilbi na siya sa NEDA o National Economic and Development Authority, BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas, at Central Bank Board of Liquidators.

Kasalukuyan siyang vice president for internal affairs ng AMOSUP o ng Associated Marine Officers and Seamen’s Union of the Philippines.

SSS RETIREE PENSIONERS AGE 80 OR MORE, KINAKAILANGAN NA MAGPA-ACOP

Batay sa datus ng SSS o Social Security System, nasa 2.9 mil­yon ang kabuuang pensioners nito na binubuo ng retiree pensioners, death pensioners, at disability pensioners.

Bago nagsimula ang digitalization ng SSS, maraming na­diskubreng fraudulent claims mula sa mga pensioner, namayapa na pala pero patuloy pang tumatanggap ng pensyon o kaya naman ay buhay pa pero nakapag-proseso na ng death benefits at funeral claims.

Simula noong taong 2012 ay sinimulan ang ACOP o Annual Confirmation of Pensioners Program.

Ang ACOP ay isang hakbang na sinimulan ng SSS para maseguro na talagang mga pensioner nito ang nakikinabang sa pensyon.

May mga pagkakataon kasing marami ang nanloko sa ahensiya, hindi dinedeklara na patay na pala ang pensioner.

Madali lang naman ang proseso ng confirmation, mayroong ACOP Pensioner’s Reply Form na makukuha sa anomang SSS branch office. Sagutan ito ng pensioner at kalakip ng kinakaila­ngang dokumento, maaari itong dalhin over-the-counter sa sa­ngay ng ahensiya na malapit sa inyo o sa pamamagitan ng koreo sa nasabi ring branch office.

Para sa mga dokumentong kakailanganin ng mga pensio­ner na nasa bahay o nasa isang institusyon o may karamdaman, maaari ninyong bisitahin ang www.sss.gov.ph.

Bukod sa pagbibigay ng social protection sa panahon ng pa­ngangailangan, tungkulin din ng SSS na maseguro na matatag ang Social Security Fund na siyang pinanggagalingan ng mga pensyon at tulong na naipagkakaloob sa mga miyembro nito.