Home HOME BANNER STORY PBBM sa pakikipag-ayos sa mga Duterte: Ayoko ng gulo

PBBM sa pakikipag-ayos sa mga Duterte: Ayoko ng gulo

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na bukas siya sa pakikipagbati sa mga Duterte.

Sa isang panayam, tinanong si Marcos kung nais pa niyang makipag-ayos sa pamilya Duterte.

”Oo, ako, ayoko ng gulo. Gusto ko magkasundo sa lahat ng tao. Marami na kong kaaway, hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan,” giit ni Marcos.

Anang Pangulo, nais niya ng katatagan sa kanyang pamumuno.

”I’m always open to any approach, na halika magtulungan tayo, kahit di tayo magkasundo sa polisiya,” aniya. RNT/SA