Home NATIONWIDE PBBM sa PNPA ‘Layag-Diwa’ Class 2024: Make the nation proud of your...

PBBM sa PNPA ‘Layag-Diwa’ Class 2024: Make the nation proud of your service

143
0

MANILA, Philippines- PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga cadet corps ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2024 na gawin ang lahat ng makakaya para makapagsilbi sa bayan para maipagmalaki sila ng mga mamamayang filipino gaya ng ginagawang pagmamalaki sa kanila ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang mga achievements o tagumpay.

“We proudly see you today as you parade as students for the last time. Tomorrow, it is the people’s turn to welcome you on your first duty and patrol. Make them proud as you have made your parents, your loved ones, and friends proud of you today.,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

Si Pangulong Marcos ay panauhing pandangal at keynote speaker sa idinaos na 45th PNPA Commencement Exercises para sa “Layag-Diwa” Class of 2024 sa B/Gen. Cicero C. Campos Field, Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang Cavite.

Nag-abot din ang Pangulo ng mga diploma sa mga graduates, kabilang na rito ang Presidential Kampilan Award o sword, sumisimbolo sa hangarin na protektahan ang Inang Bayan kay Class Valedictorian Police Cadet Ma. Camille Cabungcal Cabasis ng Lian, Batangas.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang PNPA Cadet Corps na pabilibin ang bansa at mga mamamayan kahalintulad kung paano nila pinabilib ang kanilang mga mentors sa police academy kapag nahaharap sila sa mga pagsubok at naipapasa ito bilang paghahanda para sa mas mahirap na trabaho sa hinaharap.

“Earn their respect the way you have earned the respect of your classmates during your four crucible years in this academy. You could not have chosen a more fitting name than “Layag-Diwa” in capturing your class’ ethos and energy,” ayon kay Pangulong Marcos.

“For each one of you, let “Layag-Diwa” be your chart, your compass, in reaching your destiny. Let what you have learned in this school take you as fast and as far as your talent will,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga graduating police cadets na palaging tandaan na ang kanilang career (karera) ay hindi dapat nasusukat sa bilis kung paano sila umangat mag-isa o tumaas ang ranggo na-promote kundi sa kalidad ng kanilang serbisyo na ibinigay sa bansa at sa mga mamamayan.

Aniya pa, ang serbisyo na kanilang ipinagkakaloob ay “is not a race to collect insignia nor accumulate prized assignments,” kundi ang makagawa pa ng mas maraming mabuting bagay na walang hinihintay na anumang kapalit “because service itself is our reward.”

Samantala, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang mga police graduates na palaging tandaan ang “core values” ng “Justice, Integrity, Service” ng kanilang eskuwelahan” at wala ng iba pa at “be the wind that propels you on.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here