MANILA, Philippines – Nakaalis na ng bansa ang co-accused at personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang plunder case, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes, Setyembre 17.
Ayon sa BI, si Joselyn Serenio ay nakalabas ng bansa bago pa ma-isyu ang hold departure order (HDO) laban sa kanya at iba pang respondents.
Tumanggi namang sabihin ang detalye ng pagbiyahe ni Serenio at iba pang personal na impormasyon.
Samantala, sinabi ng BI na si Romualdez at si Felicito Cristobal Guevarra, presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation ay nananatili sa Pilipinas.
“The BI will continue to strictly enforce the HDO and undertake appropriate immigration measures within its mandate,” saad sa pahayag ng BI.
Matatandaan na naghain ng not guilty plea si Romualdez para sa P7.4 bilyong plunder case na inihain laban sa kanya at tatlo iba pa dahil sa kaugnayan sa anomalya sa flood control projects.
Siya ay inilipat sa Quezon City Jail mula sa Philippine General Hospital noong Lunes ng gabi matapos mapag-alaman ng mga doktor na siya ay clinically stable at maaari nang makalabas. RNT/JGC