MANILA, Philippines- Sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Enero 29 o Year of the Snake, nagpaalala ang People for the Ethical Treatment of Animals o PETA na isang non-government organization na itigil na ang pagsusuot o paggamit ng balat ng ahas.
Suot ang madugong ‘snake suits,’ itinali ang dalawang PETA supporters sa pole malapit sa Carriedo Fountain kung saan may nakapaskil na banners na “Happy New Year of the Snake: Don’t Wear Their Skin!” na sumisimbolo sa paghihirap ng mga ahas na kinukuha ang kanilang mga balat para gawing bag, watchbands, sapatos, bukod sa iba pa.
Panawagan ni Jana Sevilla ng PETA, ngayong Chinese New Year na Year of the Snake ay dapat maging mabait sa mga ahas at huwag tangkilikin ang mga produktong ahas.
Pakiusap pa ni Sevilla, hayaan ang mga ahas na mamuhay ng matiwasay na suot-suot ang sarili nilang balat.
Binanggit din ni Sevilla ginawang imbestigasyon sa snake farms at slaughterhouse sa Vietnam, Indonesia at Thailand ay natuklasan na pinapalo at tinatalupan ng balat nang buhay.
“Ang tanging paraanbupang tunay na ipagduwang ang Taon ng Ahas ay itigil ang pagsusuot ng balat ng ahas,” ayon kay PETA Senior Vice President Jason Baker.
Hinihikayat din ng PETA ang lahat na hayaang mapanatili ang kanilang mga balat at mamuhay nang tahimik ang mga “mahiyaing reptilya na ito, tulad ng nararapat.” Jocelyn Tabangcura- Domenden