Home NATIONWIDE Petisyon ni VP Sara posibleng talakayin bukas ng SC En Banc

Petisyon ni VP Sara posibleng talakayin bukas ng SC En Banc

MANILA, Philippines – Inaasahan na tatalakayin bukas, Pebrero 25 ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Vice President Sara Duterte na humihiling na mapawalang bisa ang impeachment complaint laban sa kanya.

Nabatid na nai-raffle na kanina, Pebrero 24, sa justice-in-charge sa kaso ang petisyon ni VP Sara.

Posibleng talakayin din ng SC En Banc ang petisyon ng mga abugado at residente sa Mindanao na humihiling na ideklarang null and void ang impeachment.

Maaaring magpalabas ng resolusyon ang SC na nag-aatas sa Kamara at Senado na sagutin ang petisyon ni VP Sara at ng mga taga-Mindanao.

Una nang hiniling ni VP Sara sa SC na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang Kongreso na mag-convene bilang impeachment court.

Nais din ng bise presidente na ipawalang bisa ng korte ang ika apat na Impeachment Complaint na inihain nitong Pebrero 5, 2025, at ideklara na applicable dito ang One-Year Bar mula sa paghahain ng unang Impeachment Complaint. TERESA TAVARES