Home NATIONWIDE PH gov’t handang tumugon sa economic challenges – PBBM

PH gov’t handang tumugon sa economic challenges – PBBM

MANILA, Philippines- “Committed” ang pamahalaan na tugunan ang economic challenges para mapanatili ang “growth momentum” ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng pag-welcome nito sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa isang kalatas, ikinagalak ni Pangulong Marcos ang pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ay makikita ang paghupa ng inflation sa 2.78% noong Enero 2024, pinakamababa simula sa 2.3% na naitala noong Oktubre 2020

“We are pleased to announce a significant slowdown on inflation for January 2024,” ayon sa Pangulo.

“We remain committed to easing the burden on our citizens, as evidenced by the recent electricity bill discounts for low-income households,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, sinasabing mas mababa ang January 2024 inflation rate sa 3.9% na naitala noong December 2023 at 8.7% na naitala noong January 2023.

Iniugnay ng Pangulo ang pagbagal ng inflation sa 3.3% na pagbaba sa food inflation, kumpara sa nakaraang buwan na 5.5%.

Ang downward trend ayon sa Pangulo ay dahil sa proactive measures ng pamahalaan kabilang na ang implementasyon ng National Adaptation Plan at ang reactivation o muling pagiging aktibo ng Task Force El Niño.

“Additionally, strategic partnerships with countries like Vietnam for rice supply to allow further imports of key food commodities are crucial steps towards ensuring sustained progress,” ayon kay Pangulong Marcos.

Dahil dito, nanawagan ang Punong Ehekutibo sa publiko na tulungan ang pamahalaan na tugunan ang economic challenges upang makapagtayo ng “better future” para sa lahat sa ilalim ng isang “Bagong Pilipinas.”

Samantala, sa hiwalay na kalatas, sinabi naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pinakabagong inflation rate ay nagpapahiwatig na ang economic policies ng pamahalaan ay epektibo sa kabila ng tinatawag na “global headwinds” at climate change. Kris Jose