Home NATIONWIDE PH Navy magde-deploy ng landing dock para sa RIMPAC exercise sa Hawaii

PH Navy magde-deploy ng landing dock para sa RIMPAC exercise sa Hawaii

MANILA, Philippines- Magde-deploy ang Philippine Navy ng landing dock para sa biennial Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise mula June 26 hanggang August 2 sa Hawaii.

Sinabi ni Philippine Navy spokesperson Commander John Percie Alcos nitong Huwebes na magsasagawa ng send-off ceremony para sa vessel sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales sa June 2.

Kabilang ang Pilipinas sa 29 bansa na makikiisa sa drills.

“It is really important because all of the countries under the US alliance will be joining the RIMPAC,” wika ni Alcos.

 “It is one of the biggest, if not the largest, naval exercises in the world, so we have to be there,” dagdag niya.

 Halos 40 surface ships, tatlong submarines, 14 national land forces, at 150 aircraft ang makikilahok sa pagsasanay, ayon sa United States Pacific Fleet.

Bukod dito, mahigit 25,000 tauhan mula sa mga kalahok na bansa ang makikibahagi sa RIMPAC. Subalit, sinabi ni Alcos na hindi pa tukoy kung ilang Philippine Navy personnel ang ipadadala sa drills.

Bukod sa Pilipinas, kabilang sa pagsasanay ngayong taon ang mga pwersa mula sa Australia, Belgium, Brazil, Brunei, Canada, Chile, Colombia, Denmark, Ecuador, France, Germany, India, Indonesia, Israel, Italy, Japan, Malaysia, Mexico, Netherlands, New Zealand, Peru, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Tonga, United Kingdom, at US. RNT/SA