Home NATIONWIDE PH pinaratangan ng China na ‘misleading int’l community’ sa isyu sa WPS

PH pinaratangan ng China na ‘misleading int’l community’ sa isyu sa WPS

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Chinese foreign ministry spokesperson Wang Wenbin nitong Huwebes, Marso 14 na ang China ay umaangkin sa kabuuan ng South China Sea at ang lahat ng tubig sa “dotted line” bilang teritoryo nito.

“China never claimed that the whole of the South China Sea belongs to China,” sinabi ni Wang sa press conference.

“The Philippine side accuses China of claiming all waters inside the dotted line as territory. It is not in line with the fact and is deliberate distortion of China’s position,” dagdag niya.

Kamakailan, sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Germany, sinabi nito na hindi nirereject ng Pilipinas ang proposal ng China na resolbahin ang mga isyu sa WPS ngunit sinabi na hindi katanggap-tanggap ang “expansive claim on its 10-dash line” ng China.

“We have not rejected any proposals that China has made for us but the premise is something that we question,” ani Marcos.

“That premise that China has made is that their territory follows what is now called as the ten-dash line. This is not recognized by any country, any international body, certainly not by the Philippines,” dagdag pa niya.

Para kay Wang, inililigaw ng Pilipinas ang isyu sa international community.

“The Philippine side should stop misleading the international community, using the SCS issue to instigate disputes, and counting on external forces to undermine peace and stability in the South SCS region,” pagpapatuloy niya. RNT/JGC

Previous articleIsyu sa Chocolate Hills resort bubusisiin na rin ng Ombudsman
Next articleSuspension order vs higit 20 NFA personnel inalis ng Ombudsman