Home OPINION PHILHEALTH AT PSA CHECK UTILITY “HI-TECH” ONLINE SYSTEM LABAN SA FAKE CLAIMS

PHILHEALTH AT PSA CHECK UTILITY “HI-TECH” ONLINE SYSTEM LABAN SA FAKE CLAIMS

152
0

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga “scammer” at mahilig gumawa ng fake claims sa PhilHealth! Sa gitna ng mas pinaigting na kampanya para sa tapat na gobyerno, pormal nang ipi­nakilala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang pinakabagong “digital na pangil” laban sa mga anomalya: Ang PhilHealth Check Utility (PCU). Inilunsad noong ika-26 ng Marso, 2026, ang makabagong tool na ito ang inaasahang magsisilbing “game-changer” para hindi na manakaw ang pondo ng bayan.

Ang PCU ay hindi lang basta listahan sa computer; ito ay isang high-tech na online system na idinisenyo para maging mabilis, tumpak, at higit sa lahat, “unbreakable” ang beripikasyon ng bawat miyembro. Ayon kay Dr. Edwin Mercado, ang Presidente at CEO ng PhilHealth, hindi na uubra ang mga lumang istilo ng panloloko. Ang bawat piso mula sa kaban ng health insurance ay dapat mapunta sa mga tunay na nangangailangan at karapat- dapat na mga Pilipino.

“Pinatitibay nito ang integri­dad ng ating mga datos. Ang la­yunin natin ay siguraduhin na ang benepisyo ay para sa tamang tao, sa tamang oras, at walang puwang para sa pananamantala,” mariing pahayag ni Dr. Mercado sa harap ng media.

Ang pakikipag-alyansa ng Phil­Health sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa pamamagitan ng paggamit ng PhilSys (National ID), naging “hi-tech” ang se­guridad.

Apat na matitinding featu­res ang dala nito:

Real-time Identity Verification kung saan huli agad kung peke ang iyong pagkatao.

Biometric Authentication na gagamit ng fingerprint at facial recognition — kaya kahit mag­­-pa­ng­gap ka pa, hindi ka makakalusot sa system.

Data Integrity na lilinis sa mga “ghost records” at duplica­te na madalas gamitin sa fraud.

Seamless Updates para laging bago ang impormasyon ng ba­wat Pinoy.

Sa madaling salita, ang PCU ang magsisilbing “bantay-sarado” sa bawat transaksyon. Wa­la nang butas para sa mga sin­di­kato dahil ang iyong biometrics ang magsisilbing susi. Ito ay isang malinaw na babala sa mga nagnanais na korapsyonin ang pondo ng PhilHealth: Sa tu­long ng teknolohiya, tiyak na mabibisto at mananagot kayo sa batas. Ito ang bagong mukha ng serbisyo — mabilis, matalino, at higit sa lahat, tapat sa sambayanang Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here