Home OPINION PHILHEALTH BENEFIT PARA SA INFLUENZA O TRANGKASO, MAAARING GAMITIN

PHILHEALTH BENEFIT PARA SA INFLUENZA O TRANGKASO, MAAARING GAMITIN

425
0

IPINAAALALA ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maaaring gamitin ng mga Pilipino ang benepisyo nito para sa paggamot ng trangkaso (influenza) at mga sakit na may sintomas ng trangkaso o flu (influenza-like illnesses o ILI).

Kapag may naramdamang sintomas, hinihimok ng PhilHealth na agarang pagpapatingin sa ka­nilang napiling YAKAP Clinic. Ang PhilHealth YAKAP ay ang primary care package upang isulong ang pag-iwas at ma­agang pagtuklas ng sakit upang makatulong na maiwasan ang problemang pinansyal ng mga miyembro, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang isang malusog na bansa.

Sakop ng PhilHealth YAKAP ang konsultasyon, mga kinakai­langang gamot, at laboratory tests, kung irerekomenda ng primary care physician.
Hinihikayat ng PhilHealth ang lahat ng Pilipino na pumili at magpalista sa isang YAKAP Clinic na malapit sa kanila upang ma-avail ang mga primary care benefit.

Maaari itong gawin sa pa­mamagitan ng eGovPH app, PhilHealth Member Portal, o sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).

Maaari ring isugod ang mga pasyenteng sa Emergency Room at ikinategorya bilang emergency to critical dahil sakop ng PhilHealth Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package.

Para naman sa mga kaso ng trangkaso na nangangailangan ng confinement, P12,870 ang case rate package para dito at may hiwalay at angkop na case rate package na magagamit kung ang sakit ay nagkaroon ng komplikasyon tulad ng pulmonya.

Pinaalalahanan ni Dr. Edwin M. Mercado, Pangulo at CEO ng PhilHealth ang publiko, hindi lamang ang paggamit sa mga benepisyo kundi pati na rin ang kahalagahan ng pag-iwas. “Hinihikayat namin ang lahat na gamitin ang kanilang PhilHealth YAKAP benefit ngayon. Huwag po nating hintaying lumala ang ubo, lagnat, o sipon,” paliwanag ni Dr. Mercado.

“Pinapaalalahanan ko rin ang lahat na unahin ang mga simpleng hakbang sa pag-iwas: maghugas ng kamay nang madalas, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, at iwasan ang pumunta o makipagsalamuha sa mga matataong lugar kung may sakit na nararamdaman.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here