MANILA, Philippines- Natuklasan ng Commission on Audit (COA) ang mga isyu sa data ng mahigit sa isang milyong senior citizens na naka-enroll sa membership database ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kabilang na rito ang pananatili sa listahan ng libo-libong namatay na mga miyembro.
Sa annual audit report nito, isiniwalat ng COA ang “deficient” process controls ng PhilHealth sa membership data collection at management nito na 8.5 million enrollees na nagresulta ng ilang isyu.
Natuklasan ng audit team na ang 1,335,274 o 15% ng enrolled beneficiaries ay may “incomplete and erroneous data entry” sa PhilHealth Members Information System (MIS).
Kabilang sa mga incomplete o erroneous details na nakasulat sa MIS ay ang mga:
Encoding of only middle initial instead of middle name (1,254,136 entries)
No middle names encoded (70,931 entries)
Misspelled names (328 entries)
Not encoding the first or second name (5 entries)
Suffix not encoded in the right field (9,874 entries)