Home OPINION PILIPINAS GINAGAWANG MADUGONG SABUNGAN

PILIPINAS GINAGAWANG MADUGONG SABUNGAN

67
0

PARA sa mga mahilig mag-alaga ng mga sasabunging manok, lalo na ang mga lumalahok at pumupusta sa sabungan, iligal man o hindi, may malinaw na larawan diyan.

Sadyang pinaglalaban nang madugo hanggang kamatayan ang mga manok upang kumita sila at malas na lang kung natalo ang manok nilang kumaripas nang takbo o namatay sa tama ng mga tari.

‘Yun bang === may nagmamaniobra sa labanan upang hindi lang magwagi kundi makinabang para sa sarili nilang interes.

SARILING MANOK

Sa isang sulyap, may mga kusang pumapalaot sa pulitika hindi upang makinabang o magpayaman sa poder kundi maglingkod lamang sa mamamayan.

Ngunit sa nakararaming sulyap, higit na marami ang gustong humawak ng poder para isulong ang kanilang mga pansariling interes.

‘Yun bang === magkaroon ng unli na kapangyarihan para makapagpayaman sa pwesto.

Hindi lang nila babawiin ang kanilang ginastos sa halalan kundi kumita ng higit na halaga at kumamkam ng ari-arian gamit ang kanilang natamong kapangyarihan at impluwensya.

Kaya naman, kahit sa tatlong taon o anim na taong panunungkulan lamang, paldong-paldo na si mayor, governor, kongresman, senador o Presidente.

At karaniwang kumikita sila sa ghost projects, substandard o marupok na proyekto, illegal gambling, ismagling, grasya mula sa mga pribadong negosyante, sosyo sa mga negosyo, kikbak sa mga proyekto at utang ng gobyerno at maraming iba pa.

NAGPAPASABONG PARA SA PANSARILING INTERES

Pero iba ang gumagamit ng madugong pulitika para isulong ang kanilang sari-sariling interes at higit na makapangyarihan ang mga ito kaysa mga politikong nais lang magpayaman sa pwesto.

Halimbawa, pangunahing pinagsasabong ngayon ang grupong Marcos at Duterte ng mga may pansariling interes.

Kung iisipin, tumatalsik na ang dugo sa pagitan ng dalawang grupong ito kahit sa labanang impeachment ni VP Sara Duterte.

Maaaring dumating ang araw na kapwa manghihina ang dalawang grupo at dito na susubuking mamamayani sa pamahalaan ang nagpapasabong sa kanila.

Alalahaning may mga pwersang gustong magtayo ng sariling pamahalaan sa Pilipinas na kaiba sa nakatayo ngayon.

May gustong kontrolin naman ang gobyerno sa kasalukuyan nitong istruktura para manatili ang kanilang kapangyarihan sa mahal kong Pinas o gumawa ng paraan na maging tuloy-tuloy ang kanilang interes sa pagsusulong ng martial law, kudeta at iba pa.

Hindi na kailangang kilalanin o ipamulat pa ng ULTIMATUM ang gustong magpabagsak sa pamahalaan na nagpapasabong sa mga grupong Marcos at Duterte.

Hindi rin kaila ang pakikialam ng mga dayuhang gustong manatiling hawak nila sa leeg ang sinomang namumuno at nagpapanatili ng sistemang pulitikal sa Pinas.

Ang mga pwersang ito ang dapat na subaybayan ng taumbayan, kung gusto nila o umaayon sila sa mga ito.

Sapagkat dito nakataya nang higit sa anopaman ang kinabukasan ng mahal kong Pinas.

May gustong magtayo ng ibang diktadurya o ibang sistemang pampamahalaan at ang iba, gustong manatiling tuta ang mga Pinoy ng mga dayuhan.

Nasaan tayo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here