Manila, Philippines – Nagluluksa ngayon ang buong showbiz lalung-lalo na ang mundo ng local music sa pagpanaw ni Pilita Corrales.
She was 85.
Binansagang Asia’s Queen of Songs, mismong ang kanyang mga anak na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez ang nakumpirma nito sa social media.
Inanunsyo rin ito ng kanyang apo na si Janine Gutierrez.
Si Janine ay anak ni Ramon Christopher kay Lotlot de Leon.
Ani Janine sa kanyang social media post: “It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami or mamita, Pilita Corrales.”
Dagdag ng Kapamilya actress, not only will her grandmother be remembered for her songs but also for her kindness and generosity.”
Ang mga unang kantang papasok sa isipan sa tuwing aalalahanin ang singing icon ay ang A Million Thanks to You at Kapantay ay Langit.
Aabot sa 135 ang bilang ng mga albums na ni-record ni Pilita.
Proudly, she was the first ever Filipino singer to have performed full house at the Carnegie Hall in New York, USA.
Bukod sa pagiging icon ay aktibo rin si Pilita sa pag-arte.
One of her last TV assignments was GMA’s Lagot Ka, Isusumbong Kita.
Habang sinusulat ito, wala pang detalye kaugnay ng kanyang burol.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Ms. Pilita Corrales. Ronnie Carrasco III