Home OPINION PINAIGTING NA ‘INTEL WORK’ NG VALENZUELA COPS, GUMAGANA

PINAIGTING NA ‘INTEL WORK’ NG VALENZUELA COPS, GUMAGANA

WALA naman sigurong pipiyok o sasalungat kung sabihin kong lahat ng magagandang accomplishment ng militar at pulis ay resulta ng magaling na intelligence work.

Sa buong mundo, ang intelligence effort ay napakahalaga dahil ito ang nagsisilbing sandata ng law enforcers para maging matagumpay ang kanilang giyera laban sa lawless elements.

At walang ipinagkaiba rito sa Pilipinas dahil ito rin ang ‘potent weapon’ ng Pambansang Pulisya at Hukbong Sandatahan laban sa mga kriminal at nilalang na banta sa seguridad ng Republika.

Pero ang effectiveness ng intelligence work ay nakadepende rin sa mga pulis o militar na gumagamit nito.

Ayon sa mga eksperto, para gumana ay nangangailangan nang ‘di matatawarang galing, sipag at tiyaga sa panig ng intelligence officer o intel leader at mga tauhan.

Speaking of ‘intel work’, ang pulisya ng Valenzuela ay nakapagtala nang sunod- sunod na malalaking accomplishments dahil sa pinaigting na intel-driven police operation.

Dahil sa galing, sipag at tiyaga ni PMaj. Randy Lladeral at mga tauhan sa Intelligence Unit ng Valenzuema Police Station ay nabuwag ang Gas Station Robbery Gang at Melor Holdup Group.

Ang gas station robbers na sina Marvin Mortera, Jonathan Almerino, Johnray Soledad, Chico Perez at Hogtie gang members na sina Melor, Malaga, Apit, Balog, Atoy at Adan ay humihimas na ngayon ng rehas.

Bukod sa neutralization ng dalawang robbery group, ang Valenzuela City Police ay responsable rin sa pagkakalutas ng tinawag na ‘Pampanga Resort Killing’ na ang biktima isang Pakistani na may-ari ng resort kung saan nangyari ang murder.

Ang Valenzuela ay isa rin sa Metro Manila police station na nangunguna sa dami nang nahuling most wanted persons at wanted individuals na may arrest warrants, shabu pushers at mga iba pang sangkot sa illegal drugs.

Dahil sa accomplishments na ito ay tumanggap ang VCPS ng iba’t ibang awards at pagkilala sa liderato ng National Capital Region Police Office at kay PNP chief Gen. Rommel Marbil.

Ang mga accomplishment na ito ay nakamit ng VCPS kasunod nang pagkakatalaga ni PCol. Nixon Cayaban noong nakaraang Agosto bilang city police chief.

Kumbaga – katotong Danny Cruz ng DWIZ – ilang buwan lang sa puwesto si Cayaban pero naging mabunga agad ang kanyang panunungkulan dahil ang iniutos niyang pinaigting na ‘intel work’ sa Valenzuela cops ay gumagana.