Home OPINION PINAS, TANGING HINIRANG SA SEA  NA “TOP 10 BEST DESTINATIONS IN ASIA”

PINAS, TANGING HINIRANG SA SEA  NA “TOP 10 BEST DESTINATIONS IN ASIA”

182
0

IPINARARATING ng Department of Tourism (DOT) sa pa­ngunguna ni Secretary Christina Garcia Frasco ang taos-pusong pasasalamat ng mga Filipino sa mga manlalakbay mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang patuloy na suporta sa Pilipinas.

Kinilala ang Boracay, Palawan, Cebu at mga Isla ng Visayas, at Siargao, bilang kabilang sa nangungunang 10 pinakamahusay na destinasyon sa Asya ng Conde Nast Traveler’s 2024 Readers’ Choice Awards.

Sa buong Timog-Silangang Asya ay tanging Pilipinas lamang ang may nakapasok sa mga isla sa prestihiyosong listahan na nagpapatibay sa posisyon ng bansa bilang nangungunang destinasyon ng mga isla sa Asya.

Ayon sa kalihim, ang mga pagkilala ay sumasalamin hindi lamang sa walang kapantay na ganda ng mga isla ng Pilipinas kundi pati na rin sa mayamang karanasang iniaalok ng mga ito, mula sa samu’t saring impluwensya ng kultura hanggang sa mga world-class na pamana ng lutuing Filipino.”

Nanguna ang isla ng Boracay sa ikatlong pwesto na may iskor na 91.94, na naglagay sa isla sa ika-siyam na puwesto sa buong mundo. Kasunod nito ang Palawan, Cebu at ang mga Isla ng Visayas, at Siargao, na nagtamo ng ika-6, ika-8, at ika-10 puwesto.

Pagbibigay-riin ng DOT, ang mga isla ng Pilipinas ay nag-aalok ng hindi lamang magagandang tanawin kundi pati na rin ng makabuluhang karanasang pangkultura, tulad ng pagtikim ng mga lokal na pagkain, pagsaksi sa mga tradisyunal na pagdiriwang, o pakikisalamuha sa mga magiliw na komunidad.

Kasabay nito ay hinikayat ni secretary Frasco ang mga manlalakbay na magsagawa ng responsableng turismo para mapanatili ang kagandahan at integridad ng mga destinasyong ito.

Patuloy na nakikipagtulungan ang DoT sa mga regional ­offices, lokal na pamahalaan, at mga stakeholder ng turismo upang higit pang isulong ang mga inisyatibo para sa napapa­natiling turismo na nagpapataas ng karanasan ng mga bisita habang pinapangalagaan ang mga natatanging katangian ng bawat destinasyon.

Batay sa datos ng DOT, hanggang nitong September 5, 2024 ay umabot na sa 4.8 million ang bilang ng mga dayuhang bumisita sa bansa, higit kalahati na ito sa target na 7.7 million sa pagtatapos ng taon.

Inaasahan na karaniwang dumaragsa ang mga panauhin sa pagpasok ng “ber months” sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here