Home NATIONWIDE PNP chief nakiramay sa pamilya ng biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas

PNP chief nakiramay sa pamilya ng biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas

MANILI, Philippines- Nagtungo si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa burol ng binatang biktima ng “mistaken identity” sa Brgy. NBBS, Navotas, nitong Huwebes ng gabi.

Nakidalamhati si Acorda sa kaanak ni Jemboy Baltazari. Bukod dito ay kinausap niya ang panganay na kapatid ng biktima na si Jessa Baltazar, at tiniyak na magbibigay ng agarang hustisya para sa pagkamatay ng kanilang kaanak.

“Nandito lang ako para unang-una to extend our ah condolence and at the same time to give assurance to member of the family na wala tayong itatago diyan when it comes of conduct of the investigation we will be exerting all our effort na the truth will come out in investigation,“ pahayag ni Acorda.

Nangako rin siya sisiguraduhin nilang mapoprotektahan ang mga kaanak ng biktima.

“Tuloy-tuloy na protection. I told them na pag may problema or threat or pananakot they will let us know,” patuloy ni Acorda.

“Ah we are looking to this, actually kasama ko diyan si Sec. Bukas mag mi-meeting kami what are these SOP’s standard operating procedures, saan nagkukulang, discipline or in the doctrine titignan natin and also yung when it comes to the mental health like in taguig so we are reviewing all this things,” pahayag pa ng opisyal.

Sinabi naman ni Jessa Baltazar, kapatid ng biktima, malaking tulong sa kanila na nakausap nila si Acorda.

“Nangako po sila na makakamit po namin ang hustisya ng kapatid ko po, na kung sakaling nag-aalangan kami sa imbestigasyon ay tawagan daw namin. Kahit papaano naging panatag po loob namin kasi natatakot po kami na baka balikan kami ng pamilya nung mga pulis,” sabi ni Jessa.

Nangako rin umano si PGen Acorda na bibigyan sila ng tulong-pinansyal. RNT/SA