Home NATIONWIDE Posibleng state visit ni PBBM sa India, tinatrabaho na

Posibleng state visit ni PBBM sa India, tinatrabaho na

TINATRABAHO na ng Pilipinas at India ang posibleng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa South Asian nation “as soon as possible this year”, matataon ito sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang estado.

Sa isang television interview sa India, araw ng Miyerkules, (local time), sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na umaasa siya na makakakita ng numero ng “concrete deliverables” at kasunduan na malalagdaan sakali’t matuloy ang nasabing state visit.

“We’re working on that visit, we’re hoping that it can be done as soon as possible early this year, so we’re working on the dates,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Nauna nang pinag-usapan nina Manalo at Indian Minister of External Affairs Jaishankar ang nabanggit na state visit sa sidelines ng Raisina Dialogue na idinaos sa India mula March 17 hanggang 19.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Manalo tungkol sa bilateral deals na kasalukuyan ng inaayos subalit sinabi na tinatrabaho na ng Maynila at New Delhi na gawing mahusay ang pagtutulungan sa numero ng mga aspeto kabilang na ang maritime sphere.

Sinabi pa nito na tinitingnan ng dalawang bansa ang pagpapalawig sa usapan sa nasabing larangan at kinokonsidera ang “joint patrol exercises” at maging ang pagtutulungan sa maritime safety.

“I talked about greater Coast Guard cooperation; I think this is essential in the sense that it also will be dealing with issues such as maintaining peace and order in the region, (and) dealing with piracy or trafficking —I think definitely, that’s going to be one big aspect of our cooperation with India,”ang tinuran ni Manalo.

Minarkahan naman ng India at Pilipinas ang 74 taon ng diplomatic relations noong Nov. 16 , 2024.

Simula nang maitatag ang diplomatic ties, sinabi ng Philippine Embassy sa India na nasaksihan ng dalawang bansa ang “mutual trust deepen and cooperation expand exponentially as seen through sustained high-level interaction and political dialogues, record highs in bilateral trade, rising foreign direct investment, and new milestones in defense cooperation, among others.” Kris Jose