
MANILA, Philippines – Hindi na kailangan dumaan sa psychological evaluation para patunayan ang psychological violence sa ilalim ng Anti-Violence Against Eomen and theor Children (VAWC) Act.
Ito ang idineklara ng Supreme Court 3rd division matapos pagtibayin ang hatol sa akusado para sa psychological violence laban sa kanyang asawa at mga anak.
Batay sa desisyun, pinatawan ang akusado ng hanggang walong taong pagkakakulong at pinagbabayad ng ₱275,000 na multa at danyos.
Inatasan din ng Korte ang akusado na sumailalim sa mandatory psychological counseling o psychiatric treatment.
Sa rekord ng kaso, ikinasal ang akusado at ang kanyang asawa noong 1998 at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon din siya ng anak sa ibang babae na itinira niya sa bahay mismo ng kanyang ina na katabi lang ng kanilang bahay.