Home HOME BANNER STORY Public transpo ‘di mapaparalisa sa planong tigil-pasada – DOTR exec

Public transpo ‘di mapaparalisa sa planong tigil-pasada – DOTR exec

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Transportation na hindi mapaparalisa ang pampublikong transportasyon sa planong dalawang araw na tigil-pasada na magsisimula sa Lunes, Abril 15.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Roads Sector Andy Ortega, “Clearly they will not paralyze metro manila and most especially the whole of the Philippines,” sabay-sabing bigong maparalisa ng mga nagdaang transport strike ang pampublikong transportasyon.

“Those planning to rally or protest account for merely 5% of the entire transportation sector,” dagdag pa ni Ortega.

Nitong Huwebes, inanunsyo ng PISTON at MANIBELA na magsasagawa sila ng nationwide transport strike sa susunod na linggo bago ang nalalapit na deadline ng consolidation ng mga drayber at operator ng public utility vehicle (PUV) sa Abril 30.

Ito ay makaraang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang magiging extension pa sa aplikasyon para sa consolidation ng individual public utility vehicle (PUV) operators para bumuo o sumali sa transportation cooperatives.

Matatandaan na noong Enero ay pinalawig ng Pangulo ang deadline ng consolidation sa Abril 30, 2024. RNT/JGC