Home NATIONWIDE P222M Grand Lotto 6/55 jackpot nasolo!

P222M Grand Lotto 6/55 jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – May nanalo na!

Tinamaan kasi ng isang solong mananaya ang P222 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 sa draw ng PCSO nitong Sabado, Abril 13.

Ayon sa PCSO, ang winning combination na 17-26-30-39-14-07 ay tinamaan ng nag-iisang mananaya sa draw kagabi.

Dahil dito ay mag-uuwi siya ng jackpot prize na P222,993,453.20.

Samantala, wala namang nanalo sa Lotto 6/42 sa jackpot prize na P6.65 milyon para sa winning combination number na 26-42-40-33-13-39. RNT/JGC