Home OPINION RAPISTS SA GRADE 10 IKULONG, KASUHAN NA

RAPISTS SA GRADE 10 IKULONG, KASUHAN NA

MAY kakaibang salaysay na mahalaga ang ginang-rape na Grade 10 sa Naga City, Cebu kamakailan.

Ukol iyon sa pagpapalunok o pagpapainom sa kanya ng isang tableta at makaraan iyon, nahilo, nanghina at nakatulog na siya. Pero bago ito, sinabi niyang pinilit daw siyang painumin ng alak kaya nalasing din siya.

Nang matagpuan ang biktima, nasa ibabaw ito ng tangke ng tubig suplay ng barangay ang laman.

Wala pa siyang malay nang ito’y matagpuan dakong alas-2:00 ng madaling araw at ginising na lamang siya ng mga naghanap sa kanya.

Dito na niya isinalaysay na unang dinala siya sa madilim na lugar sakay ang isang motorsiklo.

Natandaan niyang doon siya ginahasa at pinilit na i-oral sex ang mga suspek, maging sa ibabaw ng tangke.

Maaaring dahil sa bisa ng tableta, nakatulog na siya at iniwan na lang siyang walang malay sa ibabaw ng tangke.

Ang mga suspek? Kaklase niya na dalawa rito ang anak ng isang barangay kagawad, isa ang anak ng barangay health worker at ang isa, pamangkin ng isang kapitan ng barangay.

DROGA AT KAUKULANG KASO

Kung totoo ang sinabi ng biktima ukol sa tableta at hindi ito nag-iimbento ng kwento, may nalalaman ang mga suspek ukol sa ganitong uri ng gamot.

Karaniwang nirereseta ng mga doktor ang anomang pampatulog na gamot pero bakit may hawak sila nito?

Hindi kaya may halong iligal na droga rin sa kaso at hindi ba pupwedeng isailalim sila lahat sa mandatory drug test?

Bahala na ang mga awtoridad sa suspek na lampas sa edad 18.

Pero sa Republic Act 10630 na umiiral na simula noong 2013 at amyenda sa RA 9344 ng Pangilinan Law noong 2006, pwedeng sampahan ng kaukulang kaso ang edad 15-18 kung may sapat silang pag-unawa sa kanilang ginagawa gaya ng pagpapainom ng pampatulog, paglasing sa biktima at sama-samang pag-rape sa kasong ito.

Previous articlePROTEKTOR NG DROGA MAHIRAP TIBAGIN
Next articleHabagat magpapaulan sa OccMin, Palawan