CEBU CITY — Dalawang grupo ng mga menor de edad ang nasangkot sa isang rambulan sa Cebu City, diumano’y dahil sa selos sa kanilang mga kasintahan.
Ayon sa CCTV footage, naglalakad ang isang grupo ng mga binatilyo sa kalsada nang batuhin sila ng bato ng kabilang grupo. Humantong ito sa isang matinding away na kinasangkutan ng 30 katao, ayon sa barangay captain.
Ayon sa isang 17-anyos na sangkot sa insidente, nagsimula ang gulo nang makipag-bonding ang mga kasintahan ng isang grupo sa mga miyembro ng kabilang grupo.
“Dahil sa babae, kanilang mga babae pumupunta sa Taboan dahil masaya sa Taboan. Sila sir parang nagselos, nagka-rambolan kami,” aniya.
Walang naitalang grabeng nasugatan, ngunit ipinatawag ng barangay ang mga magulang ng mga sangkot sa gulo.
Maglalagay rin ng barangay watchmen sa mga critical na lugar upang maiwasan ang anumang karagdagang insidente. RNT