Home METRO Sariling ama, binaril ng dalagita sa pang-aabuso

Sariling ama, binaril ng dalagita sa pang-aabuso

MANILA, Philippines – Binaril at napatay ng isang 13-anyos na dalagita ang sariling ama sa Cuenca, Batangas, na sangkot umano sa paulit-ulit na pang-aabusong sekswal dito.

Ayon sa Region 4A police, sa inisyal na ulat ay binaril ni “Abby” ang kanyang amang si “Nonilo,” 48-anyos na tinamaan sa ulo ng bala ng caliber .45 na pistola.

Patay on the spot ang ama sa insidente na nangyari alas-2 ng hapon sa Barangay Pinagkaisahan.

Hindi na nagbigay pa ng mas maraming detalye ang pulisya at kung paano nakuha ng dalagita ang baril.

Inaresto ng pulisya ang babae na isang high school student sa isang hot pursuit operation.

Inamin ng anak na pinatay niya ang ama bilang ganti umano sa pangmomolestiya sa kanya ng ilang beses.

Isasailalim ng mga imbestigador ang babae at ang umano’y boyfriend nito na si “Clint” sa paraffin test, upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril.

Itinuturing na rin na “person of interest” si Clint.

Nasa kustodiya na ng local social welfare office ang anak na babae habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC