Home METRO Sasakyan ng mga magnanakaw nahulog sa kanal sa GenSan

Sasakyan ng mga magnanakaw nahulog sa kanal sa GenSan

211
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Nahulog sa drainage canal ang isang sasakyan na may sakay na tatlong katao matapos umanong tumakas mula sa isang ninakawang convenience store sa General Santos City noong Pebrero 23, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver habang binabagtas ang Dacera Avenue sa Barangay City Heights, dahilan upang bumangga ito sa konkretong harang at puno bago tuluyang mahulog sa kanal.

Sinabi ng pulisya na tumatakas umano ang sasakyan mula sa isang convenience store sa Salvani Street matapos umanong magnakaw ng mga gamit ang driver.

Matapos ang insidente, nakatakas umano ang driver at isang babaeng pasahero matapos basagin ang windshield at tumakas. Naiwan naman ang isang 20-anyos na lalaking pasahero na kalaunan ay inaresto ng mga rumespondeng pulis.

Dinala sa kustodiya ang suspek ngunit pinalaya rin matapos magpasya ang pamunuan ng convenience store na huwag nang magsampa ng kaso. Pinabayaran sa kanya ang mga umano’y ninakaw na gamit na nagkakahalaga ng mahigit P3,000.

Patuloy ang paghahanap sa driver na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.

Iniimbestigahan din ng Traffic Enforcement Unit ang sasakyan na pinaniniwalaang nirentahan. Ayon sa rekord, nakarehistro ito sa Cebu City at paso na ang rehistro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here