Home NATIONWIDE Senate probe ipinakakasa sa marahas na panghihimasok ng Tsina sa WPS

Senate probe ipinakakasa sa marahas na panghihimasok ng Tsina sa WPS

MANILA, Philippines- Hiniling ng isang mambabatas sa Senado na imbestigahan sa tulong ng pagsasabatas ang marahas na panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea na ikinasugat ng ilang sundalong Pilipino.

Nitong Lunes, marahas na kinompronta ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal sa WPS. Nasugatan ng isang opisyal na Filipno sa insidente.

Ayon kay Senador Imee Marcos, kailangan matukoy kung paano matutuguan ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksyon sa Pilipinong sundalo at mamamayan sa paghahatid ng supply sa Ayungin Shoal.

Nakatakda sa Senate Resolution No. 1055 ang pariralang: “ascertain what changes should be made to the current strategies employed by the Philippine Government in order to allow the country to more effectively and safely assert its sovereign rights.”

“This most recent incident marks a serious escalation in the aggressiveness of People’s Republic of China in intercepting Philippine rotation and resupply missions to Ayungin Shoal. For the first time, Chinese personnel boarded 2 Filipino military boats, took Filipino firearms, and seriously injured a Filipino military personnel,” aniya.

Sinabi ng senador na nangyari ang panggigipit ng China sa kabila ng protestang diplomatiko, transparency campaign on rotation at resupply missions, at joint patrols sa United States at ibang bansa.

Nitong Huwebes, hiniling ni Senate President Francis Escudero na kailangan ng full briefing ng DFA sa Senado hinggil sa pangyayari.

Nakita sa footage na ipinalabas ng militar ng Pilipinas na isang maliit na bangka ng Chinese Coast Guard ang sumisigaw at inundayan ng kutsilyo at gumagamit ng sticks sa inflatable boat.

Taliwas naman ito sa ipinakitang footage ng Beijing sa state media na nagpapakita ng kabaligtaran na hindi ipinakita ang tunay na pangyayari na may hawak na sandata ang Chinese Coast Guard.

Inakusahan ng Manila ang Beijing ng kasong “act of piracy” laban sa pwersang Pilipino.

Ipinababalik din ng Maynila ang ninakaw ng Chinese Coast Guard kabilang ang pitong baril at pagbabayad sa nasirang kagamitan.

Sinabi ng ilang nag-aanalisa na pinatitindi ng Beijing ang komprontasyon sa Pilipinas upang paalisin ito sa South China Sea.

Ngunit pumalag ang US sa huling armadong pag-atake laban sa barko ng Pilipinas militar man o sibilyan sa alin mang bahagi ng South China Sea na kailangan nang bigyan ng depensa ang Manila alinsunod sa tratado sa kaalyado.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken na “(China’s) actions undermine regional peace and stability.”

Binanggit din ni Blinken sa kanilang usapan ang kahalagahan ng mahigpit na pangako ng US sa Pilipinas hinggil sa Mutual Defense Treaty”. Ernie Reyes