MANILA, Philippines – Makakaapekto ang shear line sa Southern Luzon at Visayas ngayong araw ng Linggo, Disyembre 22.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Bicol Region, CALABARZON, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Dinagat Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa shear line.
Ganito rin ang panahon na mararanasan sa Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil naman sa trough ng Tropical Depression.
Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.
Habang ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa trough ng Tropical Depression. RNT/JGC