Home OPINION SINO BA DAPAT UNAHIN?

SINO BA DAPAT UNAHIN?

1
0

IKUMPARA kaya natin ang perang diumano’y nawaldas sa flood control projects at ang confidential funds na napunta kina “Mary Grace Piattos” at iba pang tila alias na pangalan.

Ayon sa prosecution sa impeachment trial, isang “Mary Grace Piattos” umano ang tumanggap ng P70,000 mula sa confidential funds ng Office of the Vice President noong December 30, 2022. Ang nakalistang purpose: reward payment para sa medicines.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, walang birth, marriage o death certificate sa pangalang Mary Grace Piattos. Bakit? Natural, alias lamang iyan—isang pangalang pinaghalong restaurant at paboritong snack. Pero para sa mga anti-VP Sara, ang paggamit ng pekeng pangalan ay sapat nang dahilan upang may managot.

And there’s more: Renen Piattos, P110,000; Nova Santos, P85,000; Gabriel Bisaya, P90,000; Alexander Pikit, at iba pang pangalang aliases. Kabuuang P125 milyon ang confidential funds na na-disburse sa loob lamang ng 11 araw noong December 2022.

Pero kailan ba na-release sa OVP ang pondo? Sa huling bahagi na ng taon. Kaya naman 11 araw na lamang ang natitira bago matapos ang 2022.

Ngayon, ikumpara natin sa flood control funds.

Sa Maynila lamang, ayon kay Yorme Isko Moreno, umabot sa P14 bilyon ang flood control projects mula 2022 hanggang 2025. P3.4 bilyon sa District 1, P2.05 bilyon sa District 2, P4.2 bilyon sa District 3, at bilyun-bilyon pa sa iba pang distrito.

Sa mga lalawigan, ayon sa mga online data, Bulacan (ang gobernadora walang alam) ang may P43.75 bilyon para sa 668 projects; Cebu, P26.61 bilyon; Isabela, P22.77 bilyon; at Tarlac, P18.58 bilyon—hanggang sa umabot sa daan-daang bilyon kapag pinagsama ang buong bansa.

Pero tuwing umuulan, lumalala ang baha.

Bakit? Maraming proyekto ang sinasabing ghost, substandard, o hindi naman talaga epektibo.

At dito, walang alias. May mga tunay na pangalan. May mga contractor. May mga opisyal. May mga mambabatas. Marami pa nga ang lumagda sa Articles of Impeachment laban kay VP Sara, at ang ilan ay prosecutors pa.

Sa mga inaasahang tatakbo sa pagkapangulo sa 2028, si VP Sara ang malinaw na nagsabing pananagutin niya ang mga sangkot sa flood control scandal. Ang iba naman, impeachment muna ang prayoridad.

So, para kanino ba talaga ang impeachment—para sa taumbayan o para sa mga dapat managot?

At kung may mga senador na hahatol na nababanggit din sa flood control controversy, paano kaya sila boboto?

Acquit ba nila ang VP na maaaring humabol sa kanila—o convict para wala nang problema?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here