Home NATIONWIDE Subsidiya sa dialysis patients dodoblehin ng PhilHealth sa P5,200

Subsidiya sa dialysis patients dodoblehin ng PhilHealth sa P5,200

MANILA, Philippines – Plano ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na doblehin ang subsidy nito para sa dialysis patients mula P2,600 hanggang P5,200 kada session, sinabi ng PhilHealth Executive Vice President Eli Santos nitong Martes.

Ginawa ni Santos ang anunsyo sa isang press conference kasama si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list lawmaker Erwin Tulfo, na naghahangad ng dagdag na benepisyo ng PhilHealth.

Ayon kay Santos pag-aaralan ng PhilHealth ang pagtaas sa P5,200. Aniya , binigyan sila ng isang buwan at ang kanilang layunin ay wala ng out-of-pocket ang mga dialysis patients.

Sinabi ni Tulfo na ang kasalukuyang subsidy ay saklaw ang vials na kailangan na tinututok sa dialysis patients.

Sinabi ng mambabatas na ang nasabing vials ay laging hindi available sa dialysis centers kaya humihingi ng tulong sa mga pulitiko para bayaran ito.

“These vials are covered by the P2,600, but since there are dialysis centers that do not have these vials, patients look elsewhere,” sinabi ng solon.

Kaya naman dodobelhin ng PhilHealth ang halaga mula P2,600 hanggang P5,200 para sa dialysis package para maresolba ang problema upang hindi na magbayad ng cash-out amount lalo na sa mga sumasailalim ng dialysis ng tatlong beses kada linggo.

Sinabi ng PhilHealth na isang buwan ang kanilang ibinigay upang maayos ang mechanics.

“Kakayanin naman raw”, ayon pa sa mambabatas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)