MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area malapit sa creek sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City nitong Miyerkules, Abril 23, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa report, nagsimula ang sunog alas-11 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma matapos na mabilis na kumalat sa mga kalapit na tirahan.
Wala pang ibinibigay na impormasyon ang mga awtoridad sa sanhi ng sunog, bilang ng mga apektadong tirahan at halaga ng pinsala. RNT/JGC