Home OPINION SUPER EL NINO PAGHANDAAN NA

SUPER EL NINO PAGHANDAAN NA

133
0

MISMONG ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Atmospheric Services Administration ang nagsasabing may magaganap na matinding El Nino sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre ngayong taon.

Kung hindi magbabago ito, dapat nang paghandaan ito nang husto, lalo na sa agrikultura.

Paghandaan dahil nangangahulugan ito ng matinding pagkatuyo ng mga taniman o sakahan na makasasama sa produksyon ng pagkain mula sa palay, mais at gulay hanggang sa isda at lamang tubig sa mga mababaw na katubigan, fishpond at iba pa.

Magiging masama rin sa mga alagang hayop na nabubuhay sa mga damo at dahon dahil wala silang makakaing sariwang damo sa lupa o dahon ng mga puno.

Kasama sa mga nabubuhay sa dahon at damo ang mga baka, kabayo, kalabaw, kambing at iba pa.

Maaaring maraming mamatay ring puno na nagbubunga na kailangang-kailangan din bilang pagkain.

MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Pangunahing matatamaan ang mga magsasaka at mangingisda na nabubuhay sa saganang tubig at mayamang lupa.

Milyon-milyong ang bilang ng mga ito.

At sa katunayan, sila ang pinanggagalingan ng ating mga isinusubo sa bibig upang mabuhay at maging malusog at hindi magutom at magkasakit.

Pero paano na nga kung maghihirap ang mga magsasaka at mangingisda dahil sa pagkasira ng kanilang produksyon ng pagkain?

Paano naman tayong umaasa sa kanilang pagpapawis upang tayo mabuhay sa pagkain?

ALANGANING ENERO, PEBRERO AT MARSO

Sa Oktubre at Disyembre karaniwang nagaganap ang mga pag-aararo, pagpupunla at pagtatanim, halimbawa, ng mga palay na ating inaani sa mga buwan ng Marso at Abril.

Paano nga makagawa ng mga panimulang gawain sa sakahan ang mga magpapalay kung wala namang tubig at wala o mahina ang mga irigasyon dahil sa tagtuyot sa El Nino?

Eh nabubuhay pangunahin sa tubig ang mga palay.

Pagkatapos susunod pa ang mga Enero, Pebrero at Marso na karaniwan ding hindi maulan kundi malamig lamang, lalo na sa Enero at Pebrero.

Pupwede bang ipalit na itanim ang mga mais na pupwedeng itanim sa tag-init at ito ang pangunahin nating pagkain?

Paano rin aalagaan ang mga gulay kung wala ring mapagkukunan ng sapat na tubig para sa mga ito?

PAGHAHANDA AT TULONG NG GOBYERNO NASAAN?

Meron na bang nakahandang iaayuda ang gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda sa mga panahong manghihina ang hanapbuhay at produksyon nila sa pagkain?

Paano naman ang mga mamamayan na nabubuhay sa mga produkto ng mga ito?

Malamang kasing magmamahal ang mga produktong pagkain sa pagkasaid ng mga produkto sa mga pamilihan.

O mag-aangkat na lang ba ang gobyerno ng pangangailangan ng mga mamamayan, at maging ng mga magsasaka at mangingisda?

Meron na bang mga inihahandang pondo, halimbawa, na pang-alalay sa pagpapatubig at iba pang gawain sa produksyon ng pagkain ng mga magsasaka at mangingisda?

At paano ang para sa mga mamamayan?

Ngayon pa lang, dapat nang maghanda ang pamahalaan para sa hindi magandang pangyayari na idudulot ng super El Nino na darating.

Kung always ready ang mga pondo para sa mga korap at magnanakaw, lalo dapat may pondo para sa ikabubuhay ng lahat at mga magsasaka at mangingisda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here