Home HOME BANNER STORY Suplay ng tubig sa inyong gripo, malinis nga ba? PAGTATAPON NG ‘SEPTIC...

Suplay ng tubig sa inyong gripo, malinis nga ba? PAGTATAPON NG ‘SEPTIC WASTE’ PINABUBUSISI NI GOV. UMALI

1
0

NUEVA ECIJA, Philippines – HINAMON ni Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali ang Department of Environment and Natural Resources na imbestigahan ang umano’y hindi maayos na pagpapatupad ng RA 9275 (Clean Water Act of 2004) na naglalagay sa panganib sa  kalusugan ng milyon-milyong residente hindi lang sa Central Luzon, bagkus sa buong bansa.

“I challenge the DENR to investigate these (septage) facilities…kasi nga sa basura, hindi natin alam, sa tubig pa kaya,” paliwanag ni Umali sa huling pagpupulong ng Central Luzon Regional Development Council.

Si Umali ang chairman ng RDC Infrastructure Development Committee na pinamumunuan ngayon ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane.

Ang hamon ni Umali ay hinggil sa ginagawang pagpapatupad ng mga LGUs, local water districts, at mga bribadong service providers sa tamang paraan ng pagtatapon ng mga dumi galing sa mga poso-negro (septic tanks) na itinatakda ng RA 9275.

Sinabi ng gubernador sa panayam ng CLTV36 na natawag ang kanyang pansin sa isang panukala sa RDC hinggil sa estado ng mga septage waste infrastructure facilities sa rehiyon.

“Kasi nga hindi pa fully compliant ang mga LGUs, water districts, as far as the delivery of services to their constituents are concerned.

“With more reason (mag-imbestiga ang DENR) kasi nga kung hindi pa nagde-deliver ng resulta ang LGUs eh, ‘di lalo nang wala tayong maasahan ‘dun sa septage and water waste infrastructure facilities, which is very important,” diin pa ni Umali.

“Ang nakakatakot, saan nila itinatapon ito (septic wastes); how are they disposed? Kung ang basura (solid waste) we have yet to perfect ang (disposal) system, with more reason (mag-imbestiga) kasi nga water is very important.”

Ang potensiyal na problema nang paghalo ng maruming dumi galing sa mga poso-negro sa suplay ng malinis na tubig sa ilalim ng lupa at iba pang daluyan ng tubig ay nakaamba na sa Pampanga kung saan suspendido ang koleksyon ng ‘septate fees.’

Noong isang taon, naglabas ng resolusyon ang Pampanga Mayors’ League kung saan suspendido ang pangongolekta ng septage fees sa buong probinsiya na ipinatupad ng bayan ng Apalit noong Oktubre.

Ang pagsuspendi naman ng septage fee and unang nilagdaang utos ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin II matapos maupo noong Hulyo.

Ang buwanang bayarin ay para sa regular na paghigop/paglilinis ng mga poso-negro sa mga bahay at establisyamento.

Ayon sa mga mayor, suspendido ang pangongolekta habang wala pang resulta ang gusto nilang ‘performance and environmental audit’ sa lahat ng service providers sa tulong ng DENR.

Subalit, ilang buwan na ang nakaraan, wala pa ring malinaw at kongkretong hakbang na naisagawa upang tiyakin ang maayos na pangongolekta at pagtatapon ng mga dumi galing sa mga septic tank. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here