Home OPINION TABANG MINDANAO (2)

TABANG MINDANAO (2)

3
0

MATAGAL pa bago huhupa ang lungkot sa mga kamatayan, pagkakasugat, pagkakasakit, pagkawala ng tahanan, hanapbuhay, oportunidad at iba pa ng lahat ng biktima ng grabeng lakas na lindol sa Mindanao.

Kaya ang Tabang Mindanao o dalawang salitang ito na nangangahulugan ng Pagtulong sa Mindanawenyo ay magtatagal din ang halaga, marahil, hindi lang linggo kundi mga buwan buwan o taon.

Hindi madali ang bumangon mula sa napakalungkot na kalagayan sa ganitong sitwasyon.

KATULAD NG BAGUIO-CABANATUAN KILLER QUAKE

Magkapareho ang lakas ng Mindanao earthquake at Baguio City-Cabanatuan City earthquake sa lakas na magnitude 7.8.

Kaya kung maraming nasira at gumuho na mga bahay, iskul, mall, simbahan at iba pa gusali o istruktura noong Hulyo 16, 1990 sa Baguio-Cabanatuan earthquake, inaasahan nating ganito rin ang matatagpuan sa Mindanao earthquake na puminsala nang direkta sa mga rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Davao, Soccsksargen at Bangsamoro at nadamay na rin ang Norther Mindanao.

Kung paano inabot ng 1990 lindol na nagmula sa Nueva Ecija ang Central Luzon ang Baguio City at tumama rin sa Metro Manila, makikita rin ang lawak ng Hunyo 4 lindol mula Soccsksargen patungong Davao Region, Zamboanga Peninsula hanggang sa Bangsamoro at Northern Mindanao.

3 TAONG PAGBANGON

Sa tantiya at sa pag-aaral sa Cabanatuan-Baguio quake, inabot ng nasa tatlong taon pataas ang muling pagbangon ng mga siyudad na ito.

‘Yun bang === matagal ang muling pagtatayo ng mga eskwela, halimbawa, na kailangan mong durugin muna dahil ganap nang nasira bago ka magtayo ng bago.

Kahit magtulongan pa ang gobyerno at mga pribadong tao at kompanya rito.

Ganito rin ang kasaysayan ng mga muling itinayo na simbahan, mall, bahay, bahay-pamahalaan, palengke, ospital, kalsada at tulay na bumigay sa landslide o bumitak.

At tiyak na mauulit ito sa Mindanao quake.

NAGUGUTOM, NAWALAN NG HANAPBUHAY

Bukod sa kamatayang sinapit ng ilang pamilya, libo-libo ngayon ang nagugutom, nasugatang ginagamot; nawalan ng hanapbuhay, tahanan, mapasukang iskul, malinis na tubig na inumin, panlaba at panlinis at marami pang iba.

Nawalan din maging ang mga negosyante na roon nabubuhay ang libo-libong obrero sa pagkagiba ng kanilang mga establisimyento at pamumuhunan, lalo na ang namuhunan sa utang sa mga bangko.

Maging ang maraming empleyado ng gobyerno na sumasama sa mga search and rescue at pagtulong sa mga biktima, may mga nagibaan ng tahanan at nasiraan ng iba pang mga ari-arian.

Ganyan katindi ang kalagayan ng lahat ng biktima ng lindol sa Mindanao.

STATE OF CALAMITY AT PAGSASAMANTALA/KORAP

Ngayon nga ay may deklarasyon nang state of calamity sa Mindanao quake areas.

Sa estadong ito, kasama sa mga bawal ang pagsasamantala sa presyo at suplay ng mga bilihin at mabilisang paglalabas ng mga pondong pangkalamidad ng lahat ng lokal na pamahalaan, katulong ang pamahalaang nasyunal.

Sabay ngayong nagbubuhos ng tulong ang pamahalaang nasyunal at Office of the Vice President sa ilalim ni VP Sara Duterte.

Maging ang Senado na puno ng bangayan, hiwalay o nagkakaisa silang naghahatid ng tulong sa lahat ng biktima.

At marami nang civic o pribadong organisasyon ang kumikilos din para tumulong, gaya ng Lions International, Philippine Red Cross, at iba pa na kasabay ng ilang dayuhang organisasyon at bansa.

Ang mga magsasamantala at korap dito, dapat ibitin sa puno nang patiwarik.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here