Home OPINION TAG-ULAN, TAGBAGYO, HABAGAT AT FLOOD CONTROL SCANDAL

TAG-ULAN, TAGBAGYO, HABAGAT AT FLOOD CONTROL SCANDAL

104
0

NAGSISIMULA na ang tag-ulan, tag-bagyo at habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), nitong Mayo 30, 2026 opisyal na nagsimula ang tag-ulan.

Sinabi pa ng PAGASA, ika-4 na ang Bagyong Domeng ngayon at maaaring may darating pang mahigit 10 hanggang Disyembre.

Ngunit meron ditong malalakas na bagyo o super typhoon.

Itong habagat naman, alam na natin kung gaano ito kabagsik sa pagdadala ng ulan na kung minsan, kung titirada, parang bagyo rin.

Ang kadalasan sa mga ito, mga brad, ay pagdadala ng mga ulan na maaaring walang puknat sa kung ilang oras o araw,.

Kung malalakas at malawak ang mga ito, andiyan na ang mga katakot-takot na baha na hindi lang pang-isang oras kundi pang-ilang araw o linggo at may kakambal na mga landslide.

At wala nang pag-uusapan na malungkot kundi ang mga namamatay o nasusugatan sa lunod, landslide, pagtaob ng mga bangka o barko sa karagatan, pagbagsak ng mga puno, pagkawasak ng mga bahay at maraming iba pa.

Nariyan din ang pagkasira ng mga kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, obrero, negosyante at iba pa na umuubos sa mga pondo at suplay ng gobyerno at pribadong indibidwal o organisasyon para sila ayudahan.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagiging napakahalagang sulyapan natin ang nasa P1.3-P1.7 trilyong iskandalo sa nasa 10,000 anti-flood control projects umano ng administrasyong Marcos.

Kung nagawa sana ang mga flood control project nang maayos o tama, at hindi ghost project, substandard, putol-putol at patsi-patsi, kahit papaano, malaki sanang pangontra sa baha at landslide ang mga ito na pawang nakamamatay, nakasusugat, nakagugutom, nakahihirap, nakasisira sa mga ari-arian, hanapbuhay at iba pa.

Kaya, dapat ituloy na ang muling pagbubukas ng imbestigasyon nang walang pinagtatakpang mga korap at mandarambong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here