Home TOP STORIES Taguig LGU nanawagan, magkaisa para sa katotohanan ‘di sa maling paratang

Taguig LGU nanawagan, magkaisa para sa katotohanan ‘di sa maling paratang

46
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig na magkaisa sa laban kontra katiwalian pero dapat anila ay nakabatay sa facts, beripikadong ebidensya at aktwal na record, hindi sa walang basehang alegasyon at mapanlinlang na salaysay.

Mariing tinanggihan ng Taguig ang kumakalat na naratibo kaugnay ng video na inilabas ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa inspeksyon ng Office of the Ombudsman, Philippine Reclamation Authority, Land Registration Authority at DPWH na umano’y nagpapakita ng illegal reclamation ng Lungsod ng Taguig.

Ayon sa Taguig, ang footage ay pinili at sinamahan ng malawakang konklusyon tungkol sa “illegal reclamation” at “impunity.”

Taliwas anila sa nais palabasin ni Lacson, ang lugar na nasa video ay hindi pag-aari at hindi ginagamit ng Lungsod ng Taguig.

Isa itong parsela na inaangkin ng ilang pribadong indibidwal at ng isang neighborhood association, at kailanman ay hindi nag-isyu ang lungsod ng anumang permit o awtoridad pabor sa kanila.

Hinimok ng Taguig ang publiko na maging maingat at mapanuri dahil ang alegasyon ay hindi tumpak, mapanlinlang at walang suporta sa aktwal na record.

“Ang laban kontra korapsyon ay dapat laging laban para sa katotohanan — hindi paligsahan ng mga paratang,” diin ng lungsod, sabay tiniyak na nananatili itong nakatuon sa labang isinusulong nang may pagkapatas, integridad at paggalang sa katotohanan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here