Home NATIONWIDE Taiwan nilindol na naman!

Taiwan nilindol na naman!

TAIWAN – Niyanig na naman ng dalawang magkasunod na lindol ang eastern county ng Hualien nitong Sabado, Abril 27.

Ang unang lindol ay magnitude 6.1 na may lalim na 24.9 kilometro sa dalampasigan ng Hualien, habang ang ikalawang lindol naman ay magnitude 5.8 at may lalim na 18.9 kilometro sa kaparehong lokasyon.

Nakaranas ang Taiwan ng mahigit 1,000 aftershock mula nang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Hualien ngayong buwan.

Matatandaan na 17 katao ang nasawi sa nangyaring lindol. RNT/JGC