MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga awtoridad na buwagin ang mga community-based criminal groups, kabilang ang grupong kilala bilang True Brown Style (TBS) na umano’y nagrerecruit ng mga menor de edad para sa mga kriminal na aktibidad, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Setyembre 28.
Sa panayam sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na karamihan sa mga miyembro ng TBS ay edad 18 hanggang 20, at nanghihikayat pa ng mga edad 14 hanggang 15-anyos.
Kabilang sa umano’y initiation rites ng grupo ay ang pagnanakaw sa mga convenience store.
“There is a group called TBS, True Brown Style. That is our next focus of our attention. We are going to dismantle this syndicate. It’s a community-based syndicate of 20 year-olds who are grooming children as young as 14 and 15 to become criminals,” sinabi ni Remulla.
Lubhang nakakaalarma umano ang mg aktibidad ng grupo.
Nagmula sa Estados Unidos ang grupong ito 35 taon na ang nakalilipas at nakarating na sa Pilipinas.
“Now, they’re organizing in communities. So we are studying its command structure and we will be making the necessary steps to prevent the spread of TBS. We are going to dismantle it before it becomes larger,” ani Remulla. RNT/JGC