Home NATIONWIDE Terrorism charge inihain vs 4 suspek sa Moscow concert hall attack

Terrorism charge inihain vs 4 suspek sa Moscow concert hall attack

RUSSIA – Sinampahan na ng kasong terorismo ang apat na lalaking inakusahang sangkot sa pag-atake sa Moscow concert hall.

Sa huling ulat ay umakyat na sa 137 katao ang nasawi sa nangyaring pag-atake.

Idineklara naman ang national day of mourning sa Russia nitong Linggo, Marso 24, makaraan ang matinding pag-atake sa isang concert na dinaraos sa Moscow.

Inako ng Islamic State group na sila ang nasa likod ng pag-atake.

Sa pahayag ng Basmanny district court, ang apat na suspek ay nanganganib na mahatulan ng life sentence sa kulungan.

Ayon sa korte, dalawa sa defendants ang umaming sangkot sa pag-atake.

Isa sa kanila ay si Dalerdjon Barotovich Mirzoyev, mamamayan ng Tajikistan, “who entirely acknowledged his guilt,” saad sa pahayag.

Sinabi rin ng mga opisyal na lahat ng gunmen ay foreign nationals. Dagdag pa, inaresto na umano ng mga awtoridad ang 11 katao na may kaugnayan sa pag-atake nitong Biyernes ng gabi sa Crocus City Hall sa northern suburb na Krasnogorsk, kabilang ang apat na nagsagawa ng pag-atake.

Bagamat inako ng Islamic State group ang pag-atake, tila idinadawit ni Russian President Vladimir Putin ang Kyiv na may kaugnayan dito dahil sinabi niya na ang mga naaresto ay nagtangkang tumakas papuntang Ukraine.

Itinanggi naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky at ng Estados Unidos na sangkot ang Kyiv sa pag-atakeng ito. RNT/JGC

Previous article102 pares nagpalitan ng ‘I Do’ sa Las Piñas
Next articleRice imports babawasan ng Pilipinas sa mas mahinang El Niño