Home NATIONWIDE Rice imports babawasan ng Pilipinas sa mas mahinang El Niño

Rice imports babawasan ng Pilipinas sa mas mahinang El Niño

MANILA, Philippines – Sa mas mahinang El Nino, nagawang matugunan ng domestic production ang pangangailangan sa bigas, dahil dito ay babawasan na rin ng Pilipinas ang imported rice purchases nito.

Sa ulat, sinabi ng US Department of Agriculture (USDA) Foreign Agricultural Service na ang bansa ay maaaring mag-angkat ng apat na milyong metriko tonelada ng bigas ngayong taon mula sa naunang pagtaya nitong 4.1 milyong MT “domestic production will cover the slight increase in demand.”

Ang import projection ng USDA ay ‘flat’ “as the weakened El Niño forecast will support improved growing conditions for the wet season rice crop resulting in stable import demand.”

Sinabi rin na ang minimum access volume o tariff rate quota para sa rice imports, na itinakda sa 350,000 MT ay “largely irrelevant” lalo pa’t 90% ng imported na bigas ay mula sa Southeast Asian countries.

Ang lahat ng rice imports ay subject sa tariff rate na 35% hanggang sa katapusan ng 2024, batay sa Executive Order No. 50 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 2023.

Hanggang nitong Marso 7, nakapag-angkat na ang bansa ng 793,753.49 MT ng bigas ayon sa datos ng Bureau of Plant Industry.

Nagmula sa Vietnam ang pinakamalaking suplay ng bigas sa 431,846.72 MT na sinundan ng Thailand sa 210,127.38 MT.

Noong 2023, umabot sa 3.6 milyon MT ang volume ng bigas na pumasok sa bansa, mas mababa sa 3.8 milyong MT noong 2022. RNT/JGC

Previous articleTerrorism charge inihain vs 4 suspek sa Moscow concert hall attack
Next articlePulis patay sa trailer