Home METRO Pulis patay sa trailer

Pulis patay sa trailer

MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang bumangga sa trailer truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa Sampaloc, Maynila.

Dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Arnel Cualan Rovira, 42, may-asawa, Police Officer na nakatalaga sa Health Service ng Camp Crame at nakatira sa Las Palmas Subd, Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakahinto dahil sa red (stop) traffic light ang trailer truck na Isuzu na may plakang CBR 3141 sa kahabaan ng westbound lane ng R.M Boulevard sa harap ng United Bethel Church sa Sampaloc, Maynila nitong Linggo ng madaling araw.

Minamaneho ito ni Jonry Bordon Turtoga, 33 anyos mula sa Caloocan City nang biglang sumalpok ang naturang pulis sa harapang bahagi ng truck.

Dahil sa malakas na pagkakabangga, nagtamo ang biktima ng severe head injury.

Naisugod pa ito sa nasabing pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Ang driver ng truck ay hawak na ng traffic unit para sa imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRice imports babawasan ng Pilipinas sa mas mahinang El NiƱo
Next articleLakers kumana ng 150 points sa panalo kontra Pacers