Home OPINION TESDA OFFICIAL NAGPA-POWER TRIPPING

TESDA OFFICIAL NAGPA-POWER TRIPPING

BIBIHIRANG mangyari na pinuna ko ang isang ahensiyang tulad ng Technical Education and Skills Development Authority, na sa loob ng maraming taon ay mahusay na napangasiwaan nang walang bahid ng kurapsiyon simula nang matapos ang Arroyo administration.

Pero kamakailan, pinakitaan ako ng ilang nakababahalang dokumento, partikular tungkol sa ilang executive-level behavior na nakakasira sa magandang reputasyon ng TESDA. Sa huli, karapat-dapat imbestigahan ang katotohanan tungkol sa isang aakalain mong walang pinapanigang ehekutibo na desididong sirain ang isang respetadong English language institute.

Ayon sa mga sources, posibleng mauwi sa pagharap sa korte ang kaduda-dudang opisyal, na nagpasimuno umano sa isang kampanya para sirain ang operasyon ng institusyon, na may posibilidad na mawalan ng tinatayang aabot sa 1,000 enrollees sa susunod na taon.

Naniniwala ang ilang taga-TESDA na may bahid ng paghihiganti raw ang pag-abuso ng opisyal sa kapangyarihan nito. Kung pagbabasehan ang kanyang mga ginagawa, mistulang desidido ang opisyal na pagkaitan ng TESDA certification, magpatupad ng personal bias, magkaroon ng mga biglaang delays, pagbantaan at maging hindi propesyunal ang pakikitungo sa pribadong institusyon.

Tinangka umano ng mga opisyal ng institusyon na mangatwiran at tumalima sa mga gusto ng TESDA executive, pero nauwi lang ang lahat sa pagkakadawit nila sa sanga-sangang bureaucratic sabotage. Mahirap matukoy kung ano talaga ang motibo ng TESDA boss na ito, pero ang mga teorya ay mula sa personal na paghihiganti hanggang sa sikretong motibo na nananatiling kalululapulan ng misteryo.

Marahil sa puntong ito, dapat na nag-iimbestiga na si TESDA Director-General Suharto Mangudadatu at kumilos sa paglilinis ng kanyang ahensiya laban sa mga abusado sa kapangyarihan at posisyon.

HUSTISYA NG PNP

Nariyan si Police Lt. Col. Mark Julio Abong, isang maliwanag na patunay ng pagkakaroon ng mga bulok na itlog na hinayaang ganap na mabulok habang naglilingkod sa Philippine National Police (PNP).

Naiintindihan ko ang pagsasalita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isyu noong nakaraang linggo na para bang naalisan siya ng sariling alalahanin, pinasalamatan si Secretary Benhur Abalos dahil sa pasya ng DILG na sibakin sa tungkulin si Lt. Col. Abong. Ayaw namin ng mga bulok na itlog sa QC.

Inabot pa ng ilang taon bago sinipa ng PNP ang isang pulis na sangkot sa hit-and-run na tumapos sa buhay ng isang residente sa minamahal nating lungsod. ‘Yung totoo, bakit naman inabot ng ganun katagal? Ang pagkakasibak sa tungkulin ni Abong para sa isang insidente ng hit-and-run noong 2022 ay patunay ng atrasadong pagpapahalaga ng PNP sa hustisya. Itinampok nito ang nakababahalang pattern ng kapabayaan at pambabalewala sa loob ng organisasyon kapag isa sa mga tauhan nito ang lumalabag sa batas.

Aba, at sapat na siguro ang panahon ng pagpapaantala! At ito ang kicker – kung hindi lang sana ginawang shooting range ni Abong ang isang bar kamakailan, nasa La-La Land pa rin marahil ang PNP, tumatangging ipakitim sa kanilang kabaro kung ano ang kahulugan ng tunay na hustisya.

Kailangan nang pagmasdang mabuti ng PNP ang sarili nito sa salamin. Ang pagsibak kay Abong ay hindi dapat na sa isahang insidente lang gagawin, kundi dapat maging matinong kalakaran.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).