BAGO ang lahat, binabati natin ang National Press Club of the Philippines sa ika-73 anibersaryo nito kahapon, Oktubre 29. “Kudos” sa lahat ng opisyal nang ating samahan na nagsikap upang gawing ‘memorable’ ang selebrasyon,
Pagbati rin siyempre sa lahat ng ating miyembro sa hanay ng media na patuloy na mataas ang pagkilala at respeto sa NPC bilang isa sa mga “antigo” subalit pinakamalaking samahan ng mga aktibong mamamahayag sa bansa. Mabuhay ang National Press Club!
***
Kamakailan, may nabasa tayong “kantyaw” sa column ni ‘Boss’ Joey Venancio kung saan “kiniliti” niya si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
“Binalikan” ni Boss Joey ang anunsiyo ni Comm. ‘Nepo’ na hindi siya magdadalawang isip na sibakin ang mga empleyado o opisyal na sasabit sa katiwalian. Pero, higit tatlong buwan na matapos maging Customs Commissioner, wala pang “nabalita” na nasibak sa pwesto, aguy!
Partikular na tinukoy sa artikulo ang isang district collector sa Mindanao na balitang magarbo ang pamumuhay, “tambay” sa mga sabungan at kahit ang tanggapan ni Commissioner Nepo ay kasama umano sa ipinanghihingi ng “tara” sa mga may transaksyon sa kanyang teritoryo.
Nalaman naman natin na kaya parang ‘Eveready Battery’— “lakas-loob na tumatagal”—ang nasabing opisyal ay dahil marami (raw) siyang mga “astig” na padrino sa Malakanyang at Kongreso.
‘Anyway,’ Boss Joey, huwag ka nang “magmaktol,” hehehe. Nakumpirma kasi natin na “tinotoo” at “pinatulan” ni Comm. Nepo ang birada mo, hane?
Translation? “Sinibak, inalis na ni Commissioner Ariel sa pwesto ang nasabing district collector at hindi umubra ang ipinagyayabang niyang mga mabibigat na “backers” at “sponsors,” alright!
Eh, sana rin, magsilbing ‘warning’ ito sa ibang opisyal at empleyado ng BOC na huwag subukan ang kanilang bagong Customs Chief.
Gaya nang naisulat natin noon, sadyang mabait, kalmado, at mahinahon ang personalidad ni Comm. Ariel.
Kapag nagalit naman? Para siyang “leon” na “sasakmalin” ang lahat ng kanyang nasa harapan, tama ba, Asec. Charlie Bathan at Asec. Jek Casipit?






