
SA panahon ngayon na laganap ang mga proyektong pang-imprastruktura at padalas nang padalas ang sakuna, kailangang kilalanin ang mga lider na inuuna ang kapakanan ng mga inilikas na pamilya.
Isa na rito si Senate Majority Leader at senatorial candidate Francis “Tol” Tolentino.
Hindi lang basta relokasyon ang isinusulong ni Tolentino—ang adbokasiya niya ay disenteng relokasyon. Ibig sabihin, hindi lang sapat na mailipat ang mga tao mula sa delikadong lugar. Dapat, kapag inilipat sila, may sapat na serbisyo, may eskwelahan, may health center, at may pagkakakitaan sa bago nilang tirahan.
Tama si Tolentino: Relokasyon ay hindi lang tungkol sa kaligtasan, kundi tungkol din sa dignidad. Kung walang maayos na pasilidad, paulit-ulit lang ang problema. Kung walang paaralan, paano ang edukasyon ng bata? Kung walang barangay hall o kalsada, paano ang serbisyo sa mamamayan?
Pinatunayan ni Tolentino ang kanyang prinsipyo sa mga konkretong proyekto. Ang pabahay para sa 450 pamilya na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal ay hindi lang basta tahanan—ito ay isang komunidad. May mga serbisyong handog. May mga proyektong sumusuporta sa pangmatagalang kabuhayan.
Hindi ito pangakong drawing. May proyektong ganito rin siya sa Albay, CDO, at Pasig. Kaya’t hindi na kataka-takang marami ang sumusuporta sa kanyang panawagan.
Hindi bago sa senador mula sa Cavite ang ganitong gawain. Bilang dating alkalde ng Tagaytay at MMDA chairman, matagal na niyang hinaharap ang mga epekto ng kalamidad at ang responsibilidad ng rehabilitasyon.
Kaya ngayong eleksyon, sana piliin natin ang mga lider na may puso sa mga pamilyang tinatamaan ng sakuna—hindi lang sila ililigtas, kundi bibigyan ng panibagong simula.
At doon, malinaw ang paninindigan ni Tolentino: Hindi basta relokasyon. Dapat disenteng lugar.