Home METRO Trak ng bumbero tumagilid sa pag-overtake sa pagresponde sa sunog

Trak ng bumbero tumagilid sa pag-overtake sa pagresponde sa sunog

78
0

MANILA, Philippines – Tumaob ang isang fire truck na rumeresponde sa sunog matapos nitong tangkaing mag-overtake sa isang SUV at motorsiklo sa East Bank Road sa Barangay Manggahan, Pasig noong Linggo ng umaga.

Base sa dashcam footage, makikitang paparating ang fire truck na may umaalingawngaw na sirena dakong alas-11 ng umaga. Lumipat ng lane ang sasakyang may dashcam upang magbigay-daan, ngunit nagpatuloy umano sa kaniyang lane ang isang puting MPV kahit papalapit na ang emergency vehicle.

Ilang sandali pa, nag-overtake ang isang motorsiklo sa sasakyang may dashcam at nakasabay ang puting MPV. Tinangka naman ng fire truck na sumingit sa pagitan ng motorsiklo at MPV ngunit nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa tumagilid at tumaob ang sasakyan.

“When our personnel got there, the fire truck had already overturned. We asked around about how it happened, and concerned citizens there said the driver swerved to avoid two motorcycles. When the driver yanked the steering wheel, the truck flipped onto its side because it was loaded with water,” ayon kay Barangay Manggahan team leader Hermogenes Arucan.

Tumapon sa kalsada ang tubig mula sa fire truck habang nakita rin ang mga gasgas sa daan sanhi ng aksidente.

Sinabi ng 21-anyos na driver ng fire truck na si Charlie Abarca na naka-full blast ang kanilang sirena habang papunta sa insidente.

“Even from a distance, our fire truck could already be heard because it’s loud, and I also had the siren on full blast,” ani Abarca.

“My assessment of the white SUV ahead of me… At first, it was driving fast, but as I got closer, it suddenly slowed down. So I tried to squeeze through the gap between them – I went right in the middle. After I passed them, that’s when I lost control,” dagdag niya.

Nagtamo si Abarca ng sugat sa kanang braso habang nagkaroon naman ng bukol sa kaliwang tainga ang isang fire volunteer. Ayon sa driver, sa basag na windshield sila dumaan upang makalabas ng sasakyan matapos itong tumaob.

Nabasag din ang windshield ng fire truck at nasira ang kanang bumper, mga pinto, at pump valve nito.

Nanawagan naman si Sid Mariano, presidente ng Etraksid Fire and Rescue Volunteers, sa mga motorista na agad magbigay-daan sa mga emergency vehicle upang maiwasan ang aksidente at matiyak na ligtas na makarating ang mga rumeresponde sa kanilang destinasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here